Nakalulungkot na mahigit dalawang buwan na ang atake ng coronavirus disease 2019 sa ating bansa.
Sayang ttuloy ang mga nakalatag na summer sports clinic na hindi na matutuloy dahil sa pandemic na buhat sa Wuhan, China.
Mabuti na lang at maraming nagsi-share pa rin ng kanilang knowledge para sa ating kabataan, gustong matutunan ang sport, at nais maging fit o mabuti ang kanilang kalusugan.
Ilan sa mga nakita ng inyong lingkod sa social media na sa mga nakaraang araw, linggo at buwan na nagbabahagi ng kanilang kalaaman, iba’y workout sa kani-kanilang sports ay ang mga sumusunod:
2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, Philippine Basketball Association stars Robert Bolick Jr. ng NorthPort Batang Pier at Jeron Teng ng Alaska Milk Aces;
Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal HD Spikers, Cordilleran calisthenics athlete Ortis Tindaan Jr., soft netter Noelle Conchita Corazon ‘Bien’ Zoleta Mañalac, squasher Jemyca Aribado;
Marathoners Nhe Ann Barcena, Engr. Grace Agura, runner Noelle de Guzman ng Pasig City, at iba pa.
Sana mas marami pa ang mga magbahagi ng kanilang espesyalidad sa sports ngayong tag-init para kahit paano may pagkaabalahan ang marami sa atin kahit mga nasa tahanan lang tayo.
***
Ipanalangin po nating matapos na ang COVID-19. Mag-ingat po tayong lahat kada araw, panatilihin pong malakas ang ating katawan at kalusugan.
Magkaroon na po tayo palagi ng oras na makipag-heart-to-heart talk sa Panginoon, saan man tayo naroon, anuman ang ating ginagawa.
Huwag po tayong puro socmed (FB, IG, Twitter, Viber, TikTok, etc.) na lang. Kahit short prayer daily gawin natin para pasalamatan Siya.
***
Kung nais po ninyong mag-reaksiyon o magtanong, mag-email lang po kayo sa akin sa ramilcruz2003@gmail.com at sa ramilcruz2003@yahoo.com.
Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.
God bless us all!