May mahabang aria ang starlet of the highest order, si Sofia Andres na ang mga ibang nilalang, ang pakiwari ay para sa kanyang dating kapareha at kasintahang si Diego Loyzaga.

Well, mas exciting para sa diva that you love ang bago niyang paandar at ang bida rito ay ang Pambansang Bae, si Alden Richards.

May chance na ang fantards section ng AlDub, galit, ngitngit, poot at suklam ang ibabato nila kay Andres matapos nitong ibahagi ang kanyang “homaygad!” at tila kinikilig na reaksyon sa isang screen grab na larawan ni Alden.

Ang simpleng fangirling moment na ito, walang kaduda, ang mga kuda at hanash laban sa kanya, in a major, major way. Alam naman nating lahat na may mga fantard na AlDub kaya ang ganitong open display of affection, hindi na palalampasin. Para sa kanila, tanging si Maine Mendoza lamang ang babaeng karapat-dapat para kay Faulkerson at si Menggay ang dapat magpahayag ng ganitong klaseng kilig para sa kapareha nito.

Ewan ko ba sa mga AlDub na ‘yan, inamin na nga ni Juancho Trivino na special friend niya ang Philippine Sweetheart, hindi pa rin matanggap-tanggap na pang-love team na lang talaga ang MaineChard.

Itodo pa sana ni Sofia ang fangirling mode niyang ito para nerbiyusin ang mga hindi kainaman, hindi kabutihan, palaaway at mapang­lait na AlDub members. Mas bongga nga kung magkaroon ng pagkakataon na mag-meet sila ni Alden in person, magka-photo opportunity at ibahagi niya muli sa kanyang social media account.

‘Pag talagang uukol, may bubukol, malay mo, malay ko, malay nating lahat, ang fan gurlin na ito ni Andres, eh ang siyang pagsisimula of a friendship nila ni Alden.

Kaabang-abang ba ‘yun o kahikab-hikab?

Zombie serye ni Jennylyn sisibakin

Sa isang press payanig, habang hinihinay na magsimula ang mga kaganapan na sadyang kay tagal naman talaga, may isang bumangka at sinabing maaaring ang bagong programang The Cure, ang bagong programa sa GMA 7 magpapaalam na sa ere.

Ha? Siyempre, nabig­la ang mga nasa mesang nagchi-chikahan dahil nga wala pa yatang tatlong linggo ang Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez zombie serye, babu na agad ang The Who? Hindi nga ba talaga nila kinaya ang powers ng Ang Probinsiyano na siyang direkta nilang katapat sa primetime bida?

Kamusta nga ba ang ra­ting digits nito? Sobrang layo nga ba sa team Cardo at kung sakaling may pagkakataon na ang pag-ere nito ay bumabangga rin sa Bagani, sadya bang alikabok ang pinapakain rito?

Sa aking pananaliksik, may katotohanan nga kaya na may six-week policy sa Kamuning network? Na kung hindi nagri-rate ang first week mo, may isang linggo ka pa. Sa ikalawang linggo mo at taob ka pa rin sa kalabang programa, pasok ka sa six-week policy at gone with the wind ka na agad?

Kung totoo nga ito, ano ang kulang sa nasabing programa? Hindi ba nito nakuha ang pambibigla at igting na ating nadama nu’ng pinanood natin at yinakap ang Train To Busan? Hindi ba nito mapangatawanan na parang halaw ito sa World War Z ni Brad Pitt? At juice colored, ni hindi man lang nito aabutin ang 9th season ng The Wal­king Dead?

Sa patuloy kong pananaliksik, may isang panayam ang direktor nitong si Mark Reyes na ang kanyang pahayag ay, “Let’s not make it long. I think it should not have a long duration.”

Hindi kaya dito nagsimula ang mga sitsit tungkol sa mabilis na pamamaalam nito sa ere kasi nga mismong ang direktor, hindi bet na maging pangmatagalan ito?

Sa isang pahayag, isang ehekutibo mula sa Kapuso network ang nagsabi na walang directive na, “to cut it short. That’s not true. As of ngayon, wala” at ang programa ay magkaka-“normal run”.

Kung may usok, may apoy, saan nga kaya galing ang apoy mula sa chikang ito? Sana naman, ang mga loyal Kapuso warrior, panoorin ang zombie serye at fighting chance ang ibigay nila dito. Kung ayaw nilang mawala ang palabas, aba, sila ang dapat maghanap ng lunas para umariba at pumatok sa ratings ang ‘The Cure’.

Oo, hindi madaling ta­lunin ang kasabay ang almost three years old na action drama ni Coco Martin pero hindi dapat palupig ang pag-asa, huh! Ingay pa!