SoKor namudmod ng bigas sa`Pinas

Nag-donate ng 950 metric tons na bigas ang South Korea sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Agriculture William Dar, makikinabang sa nasabing toneladang bigas ang nasa 15,000 pamilyang biktima ng lindol sa North Cotabato, Davao del Sur, kabuuan ng Davao region at Soccsksargen. Mabibigyan din ang mga pamilyang biktima ng mga pagbaha nitong 2019 sa Cagayan Valley kabilang na ang mga apektado ng COVID-19 sa bansa.

Ang naturang bigas ay itu-turn over ng tanggapan ng DA sa Department of Social Welfare and Development na naatasang mamahagi sa mga benepisyaryo.

Sa pahayag ni South Korean Ambassador Han Dong-man, dahil sa matatag na samahan ng Pilipinas at South Korea, umaasa siyang makakatulong ang donasyon sa pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

“Let me extend my deepest gratitude to Korea MAFRA for their generous support,” pahayag ni Secretary Dar. (Riz Dominguez)