Afrer nilang um-attend sa kasal nina Isabelle Daza at Adrien Semblat sa Arezzo, nagpunta ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa Siena, isang lugar din sa Italy.
From there, nasa Florence naman sila at saka na babalik sa ‘Pinas.
Kasama nila sa pagliliwaliw sa iba’t ibang lugar ng Italy ang natsitsikang magpapakasal na rin next year na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.
Sabi, parang extension na rin ‘yon ng honeymoon nina Solenn at Nico.
Noong ikasal sila sa Combourg, France noong Mayo ay hindi matagal ang honeymoon nila dahil bumalik kaagad sila ng ‘Pinas dahil sa trabaho.
This weekend ang balik nila sa ‘Pinas dahil sa Lunes ay magre-resume na si Solenn ng taping para sa isang fantaserye ng GMA 7.
***
AYAW magpaapekto ni Lovi Poe sa patuloy na pamba-bash ng iba sa kanila ng Someone To Watch Over Me leading man na si Tom Rodriguez dahil sa intimate scenes nila na very realitistic.
Ang intriga kasi, pati ang girlfriend ni Tom na si Carla Abellana ay pinalalabas na naaapektuhan daw.
Nagpaliwag si Carla na alam niya na trabaho lang ang mga eksenang ‘yon at sinabihan pa niya sina Tom at Lovi ng “job well done.”
Sabi ni Lovi, wala siyang dapat ipaliwanag as long as hindi affected si Carla dahil ‘yon ang importante.
At least, naiintindihan ni Carla na trababo lang ang lahat ng ginagawa nila ni Tom sa Someone To Watch Over Me.
Hindi guilty si Lovi, so, keber na niya sa sinasabi ng iba na ang pakay lang ay ang pag-awayin sila ni Carla, ‘noh?!
Ang payo namin kay Lovi, huwag nang pansinin ang bashers as long as nagagandahan sa kanilang acting sa Someone To Watch Over Me ang critics, huh!
Balitang ang top management ng GMA 7 ay happy sa positive feedback sa kanilang teleserye, kaya ‘yon ang mas importante, ‘noh?!
***
Bukas na ang kasal ni Cristalle Belo sa Lake Como, Italy.
Noong isang gabi na nasa Milan kami, ikinuwento ng isang kaibigan namin na nasa isang restaurant/bar na malapit sa kinaroroonan namin ang anak ni Dra. Vicki Belo, pero hindi namin nakita mismo si Cristalle.
Si Ruffa mismo, dahil nakatulog kami sa tindi ng pagod, as of this moment, hindi pa rin namin nakikita.
Hindi pa sure kung makikita namin siya bago kami umalis ngayon ng Milan pabalik ng ‘Pinas, huh!
Anyway, ang mga Pinoy around Italy ay masaya na maraming mga kababayan nating celebrities ang nandito ngayon dahil sa weddings nina Isabelle at Cristalle!