Solenn hinipo ang basang boobs

‘Kaaliw talaga si Solenn Heussaff, na kahit buntis sa panganay nila ni Nico Bolzico ay ang sexy pa rin.

Benta ‘yung post ni Solenn sa kanyang IG TV na behind the scenes ng baking video niya with guest Bianca King.

Nag-bake sila ng lactating bread na bagay na bagay sa mga preggy women like Solenn. Mas nakakatuwa ‘yung pinost ni Sos na BTS kesa sa mismong YouTube video.

Habang binabate ni Sos ‘yung batter ay ginaya ni Bianca ang hand gesture niya at natawa sila pareho dahil bastos ang beating movement ng kamay ni Bianca. Ha! Ha!

Nakakalerky dahil after nilang tikman ang bineyk nilang lactating cake ay nag-lactate nga ang boobey ng buntis na misis ni Nico.

“It works!” sey ni Bianca, tapos ay natawa si Solenn, na humirit ng, “Boom pow! Lactation powers!” habang proud sa kanyang dibdib na kitang-kita ang pamamasa sa kanyang kulay grey na tank top.

Talagang hinipo pa ni Sos ang basang boobelya niya at sinabing, “Oh my God, this will be a trend!”

In fairness ay cute ang dating ni Solenn at hindi malaswa kahit nagla-lactate ang kanyang mammary glands! Ha! Ha! Ha!

Maraming nagsasabi na ang gandang magbuntis ni Solenn at mukhang babae ang magiging unang anak nila ni Nico. (ALLAN DIONES)