Di naging hadlang kay Solenn Heussaff ang pagiging isang ina habang nag-aalaga ng kanyang anak . Ito’y nang mag-alay ng kanta sa mga apektado ng COVID-19 ng ‘Heal the World’ ni Michael Jackson.
Sa Instagram account ni Solenn ay makikitang busy ito sa paghele sa kanyang baby na si Thylane Katana.
Tila nakiki-duet naman ang kanyang anak dahil naririnig ding sunasabay ito sa kanyang ina.
Nagpost din ang kanyang mister na si Nico Bolzico ng video ni Solenn habang kalong-kalong ang baby nila.Maemosyonal at mangiyak-ngiyak ito sa tugtog ng ‘Heal the World’. (AE)