Dahil sa #wifezilla posts ni Nico Bolzico sa social media ay dumami ang mga tagahanga at followers niya.
Lutang kasi ang kanyang humor na sinasamahan ng sweetness dahil sa pagpapakita niya kung gaano siya kabilib sa asawang si Solenn Heussaff.
Ngayon na mas kilala na si Nico, dumarami ang gustong kumuha sa kanya sa showbiz.
Dinadaan ang inquiries sa Kapuso actress mismo!
Kuwento ni Solenn, ang ibang fans na lumalapit sa kanya ay kadalasang si Nico ang hinahanap, na ikinatutuwa ni Nico dahil pakiramdam daw nito ay mas sikat na ito sa asawa.
Masaya si Solenn sa suportang natatanggap ng asawa, pero hindi niya ito papayagang pasukin ang showbiz para maka-focus ito sa pagiging businessman.
***
MAGTATAPOS sa Mayo 19 ang Kapuso telefantasyang Encantadia.
Pero ngayon pa lang ay may petition na ang League of Encantadiks na magkaroon ito ng 2nd season.
“The clamor for the fresh offering has gain nearly 4,000 signatures,” sabi ni Roberto E. Evangelista, Administrator ng Encantadia 2016 (Official Facebook Group).
***
Nag-umpisa kagabi sa ABS-CBN ang Koreanobelang Goblin, na kilala rin bilang Guardian: The Lonely and Great God.
Nasa YouTube ang ilang highlights ng South Korean television series na pinagbidahan nina Gong Yoo, Kim Go-eun, Lee Dong-wook, Yoo In-na at Yook Sung-jae.
May English subtitle ang mga iyon.
Ipinalabas ang TV series sa cable network tvN tuwing Biyernes at Sabado nang 8:00 PM, mula December 2, 2016 hanggang January 21, 2017.
***
Lalong umiigting ang mga ganap sa Kapuso afternoon drama series na Ika-6 Na Utos.
Ang galing-galing ni Georgia (Ryza Cenon) na mang-eklay kay Emma (Sunshine Dizon).
May hangganan ang pagtitimpi ni Emma sa mga nang-aapi sa kanya!
Si Rome (Gabby Concepcion) naman, wagas ang pagluluksa ng puso!