NAG-POSE muli si Solenn Heussaff sa FHM bilang mainit na regalo sa kanyang fans.
Sa kanyang Instagram post, shinare ng Kapuso sexy actress ang bago niyang adventure.
Aniya, “Hey guys! My FHM is out today! Amazing set design and the team I always work with.
“Read about the ‘rules’ i would like to change, my new book HOT SOS and more :)”
Huling nag-pose si Solenn para sa FHM noong March 2011.
***
Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at paghataw, nakatanggap ang Magkaibang Mundo star na si Balang ng certificate bilang honorary Zumba Instructor sa Amerika.
Recently ay nagpasaya si Balang sa Operation Smile sa San Diego, California at nagpakitang-gilas din sa 2016 Zumba Instructor Convention.
“Dream come true! I am now a Zumba Instructor,” tsika ng cute na child star.
Nakapagpa-picture ang batang aktor sa kanyang idol na si Beto Perez, isang kilalang zumba instructor sa America.
***
Mapapanood muli ang BiGuel!
Magpapakilig sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa una sa apat na love stories sa interactive weekly mini-series ng GMA na Usapang Real Love a.k.a. URL.
Mapapanood ito sa Setyembre.
***
Memorable ang b-day celebration ni Barbie Forteza noong July 31.
Sa post ni Barbie sa Instagram, ibinahagi ng Sunday Pinasaya host ang ilan sa mga ginawa niya sa kanyang birthday:
“A successful monologue/dance prod, an unforgettable concert experience and a memorable late night dinner.
“I can therefore conclude it was really a happy birthday for me.”