NAGDONASYON si S­olenn Heussaff sa isang ethnic tribal group kamakailan sa Bukidnon.

Dumalo ang E­ncantadia actress sa 4th Sacred Customary Compact Celebration of Unity and Peace.

Naghandog si Solenn ng painting na siya mismo ang gumawa.

Nagkaroon din siya ng immersion sa kultura ng mga tribal group na nakasalamuha niya.

“Words can’t describe how this felt and what an honor it was for me to meet all of them today and the Datus as well. Blessed I could help in my own way,” pahayag ni Solenn.

***

Masaya si Jerald Napoles sa tagumpay ng kaibigan niyang si Nar Cabico sa Superstar Duet­s ng GMA 7.

Post ni Jerald sa Instagram, “Raaaaaahh!! Superstar Duets Season 1 grand winner @narcab!! It’s an honor to be your 1st runner-up.

“10 yrs ago naghahati lang tayo sa kanta, para lang makapagperform sa entablado reliever pa, haha kaya ngayon… deserve mo ‘yan!!

“afford na natin mag tapsilog! i also wanna thank @gmanetwork for giving opportunities to theater actors like us. Maraming salamat po sa pagsugal”