KILALA sa pagiging health buff si Solenn Heussaff.

Kahit abala siya sa kaliwa’t kanang showbiz commitments, nagagawa pa rin niyang bigyan ng oras ang pag-eexer­cise na nakikita sa mga ipino-post niya sa social media.

Mapili sa pagkain si Solenn, kaya super sexy siya.

Hindi siya mahilig sa bisyo.

At ngayon na maraming taga-showbiz ang pinagdududahang into illegal drugs, isa si Solenn sa mga taga-showbiz na sumusuporta laban sa masamang bisyo na ito.

Nagpa-drug test si Solenn para ipakitang she’s drug-free.

Narito ang statement ng management team ni Solenn tungkol sa kanyang voluntary na pagpapa-drug test:

solenn-drug-test“Solenn Heussaff has tested negative for illegal drugs. Leo Dominguez of LVD Management & Consultancy Services, the talent management company managing the Filipina-French actress/model, has decided to publicize her results in support of the Government’s stand and campaign against illegal use of prohibited drugs.

This is also to inform the public of Solenn’s beliefs of clean and healthy living.

Dominguez says that, ‘Solenn practices in what she believes in, which is to live a healthy and productive lifestyle, this includes her position against the use of prohi­bited and illegal drugs.’

Included in this statement are the laboratory results from Hi-Precision Diagnostics Plus in Poblacion City of Makati, a medical laboratory licensed by the Department of Health.”

***

Nasa bansa ngayon si Geneva Cruz para magbakasyon at asikasuhin ang ilang importanteng bagay.

Isa sa tuwang-tuwa na umuwi sa bansa si Geneva pagkatapos ng ilang taon na pamamalagi sa Amerika ay ang pinsan niyang si Sunshine Cruz.

Panay ang bonding nila at may mga pagkakataon din na lumalabas sila kasama ang iba pa nilang mga pinsan.

Kuwento ni ­Sunshine, hindi masyadong magtatagal sa bansa si ­Geneva dahil kaila­ngan nitong bu­malik kaagad sa ­Amerika. Naiwan doon ang maliit na anak ni Geneva at may trabaho rin ito sa nasabing bansa.

Ang alam namin, bukod sa isang beauty clinic/spa na tinutulungan ni Geneva sa Amerika, may iba rin siyang mga trabaho.

Kinukuha rin siyang kumanta sa ibang mga Filipino restaurant/bar doon.

May mga pagka­kataon na nagsu-­show siya sa iba’t ibang lugar sa Ame­rika kasama ang iba pang Filipino singers na based na roon.

Katulad ni Geneva, sa ­Amerika na based noon pa man ang tatay ng panganay niyang si ­Heaven, si Paco Arespaco­chaga.