Ni: VINIA VIVAR
Katatapos lang ng third anniversary as a married couple nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico last May 21 at sa tatlong taon na ‘yun, ayon sa sexy actress, feeling daw niya ay mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila.
“Same-same, wala namang naiba. Kasi we’ve both been busy and we don’t have a kid. Feeling ko, mag-iiba ‘pag may anak, kasi for now, parang feeling ko, magdyowa pa kaming dalawa,” sey ni Solenn nang makatsikahan namin sa taping ng romantic-comedy series na “Love You Two” ng GMA-7.
Sa ngayon ay aso’t pusa pa raw ang mga anak nila. Pero nagpaplano na rin naman daw sila to have a baby.
“If it happens, it happens. Mas okay na (to have a baby). Kasi ‘yung last few times, ayoko, kasi it’s still new ‘yung wedding, gusto ko muna mag-enjoy. Ngayon naman magti-thirty four na ako, so…”
Si Nico raw ay medyo gusto pa niyang i-enjoy ang marriage nila pero sabi raw niya, “it’s my body.”
Hindi naman daw ibig sabihin ay priority niya ngayon ang magka-baby.
“Wala naman akong priority. For me, it’s just to live day by day, to enjoy and to work,” aniya.
Hindi rin niya planong magpahinga muna sa showbiz para lang makabuo ng baby dahil ‘pag ganu’n ay mas lalo raw siyang mai-stress.
“So, mas gusto ko na just let it go, tapos, when it happens, masaya. If it doesn’t, then, we’ll wait pa, then if we need to do anything…”
Ready naman daw siya anytime to be a mom na even for the past 3 years pero mas gusto na raw niya talaga this time.
***
Game sa ex-BF
Tulad ng alam ng lahat ay nasa GMA-7 na rin ang ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay pero ayon kay Solenn ay hindi pa raw sila nagkikita sa compound.
May balak ba ang network na pagsamahin sila?
“Hindi ko alam,” sey niya.
If in case?
“Yeah! Game naman ako! Wala naman akong ganun-ganu’n (kaartehan). Wala akong ganun’g drama.”
Okay daw sila ni Derek and in fact ay nagsama na nga sila sa isang movie, ang “Love is Blind” in 2016. Wala rin daw problema sa asawa niya kahit mag-ex pa sila ng aktor.
“Past is past and when I was with Derek, wala naman si Nico,” natatawa niyang sabi.
Aware si Solenn na si Andrea Torres ang makakasama ni Derek sa first teleserye nito sa GMA-7 at excited nga raw siya.
“Excited ako sa kanila. Kasi mukhang malakas ‘yung sex appeal nilang dalawa. Feeling ko, sobrang bagay sila. Parang kahit ako, kinikilig ako sa GMA Summer Special, sabi ko, ‘ay may something sila,’” sabi ni Solenn.
***
Na-challenge kay Jennylyn
Sa “Love You Two” ay ginagampanan ni Solenn ang papel na Lianne na ex-girlfriend ni Jake na pino-portray ni Gabby Concepcion. Matapos magbakasyon sa US after the break-up ay muli siyang babalik sa buhay nito.
“Bumalik ako kasi may news na ire-reveal ko kay Jake, tapos, aside from that, may secret din si Lianne. Alam naman ni Jake ‘yung secret. So, malalaman ng ibang tao, malalaman ng audience rin, mga later on,” ani Solenn.
Ano ang challenge sa kanyang role?
“Well, si Gab at si Jen (Jennylyn Mercado), ‘yun ‘yung challenge ko, sobrang galing silang dalawa. I mean, si Jen naman, she’s very good at her craft, lalo kapag comedy.
“So, siyempre, when I have to act with her, dapat lumebel nang konti. Comedy Queen!” sambit pa ng aktres.
First time raw niyang nakasama si Jen at Gabby sa isang serye at gusto rin daw niya talaga ang mga ganitong rom-com kaya happy siya sa kanyang mga eksena.
Happy raw siya na mataas ang ratings ng LYT kahit wala pa siya sa eksena. Nakatakda pa lang bumalik ang kanyang karakter kasi.
May pressure ba sa kanya ngayong papasok na ulit siya?
“May pressure ‘pag bumaba, baka dahil sa akin,” natatawa niyang sabi.
Pero maganda raw talaga ang script ng LYT at magaling ang direktor na si Irene Villamor.
“Iba, iba talaga. Ako ‘yung tipo ng tao na hindi natatawa sa script. Pero eto ‘pag nababasa ko ‘yung script, sabi ko, ‘ano ba ‘tong kalokohan na ‘to?’”
Kumusta namang katrabaho si Gabby?
“Super-chill. I met him long time ago through his daughter siyempre. Kaibigan ko si KC (Concepcion). Same-same, hindi siya tumatanda, as in.
“He’s easy to get along, kahit lahat ng tao sa set. Actually, sobrang saya ng set,” sey niya.
***
Natawa sa ‘chupa’ ni Erwan
Kamakailan ay nag-trending ang tweet ng kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff na “Chupa is Life.” Tawa nang tawa ang aktres dito dahil ang ibig sabihin daw ng younger brother ay kuhol.
“Actually, narinig ko lang kay Anne (Curtis, wife of Erwan), sabi niya, ‘hay naku, Erwan kasi, chupa ka nang chupa!’” natatawang sabi ni Solenn.
Paliwanag ng aktres, nagpunta raw sa Zamboanga si Erwan at kumain ng snail na kailangang sipsipin.
“Ang tawag diyan ay chupakulo. So, nag-tweet si Erwan na ‘chupa is life.’ Tapos, maraming nag-text kay Anne, ‘ay ganu’n pala, ha? Chupa is life, ano ang ginagawa n’yo sa bahay n’yo?’”
“Well, for me, hindi lang kasi kapatid ko si Erwan, pero sobrang fan ako ng mga docus (documentaries), and really need that for the country,” ani Solenn.
Magaling daw mag-research si Erwan ng mga iba’t ibang lugar and its people, at pati na ang pagkain ng mga ito.
“He’s very good at what he does,” pagmamalaki pa ni Solenn.