Solenn, payanig ang kaseksihan sa Bali

solenn-heussaff

SUPER successful ang JaDine World Day kahapon kaugnay sa tele­seryeng Till I Met You.

Ano kaya ang nara­ramdaman ng Kath­Niel dahil parang naungusan na sila ng ingay ng Team Real?

Makakabawi kaya sila sa Barcelona: A Love Untold?

***

solenn-heussaff
            Solenn Heussaff

Enjoy si Solenn Heus­saff sa #BELLEchorette (bridal shower para kay Isabelle Daza) sa Bali, Indonesia, base sa Instagram posts niya.

Seksing-seksi si Solenn sa sun bathing.
“Loving these hand made hats,” sey pa ni Solenn.

***

Lumabas na naman ang singer na si Nina sa ASAP kahapon.
Nagmukha siyang hulas ng version ng PBB ex-housemate na si Dawn Chang.

***

Gagawin talaga lahat ni Jonalyn Viray (na Jona na ngayon) at nagbihis siya nang kakaiba habang kinanta ang My Way sa ASAP.

Parang tumataba na naman at natatabunan ng ibang birit divas si Angeline Quinto.

***

Nang medyo kumala­byos si Antonette Tismo (Team Sharon) sa The Voice Kids Season 3 sa kantang Let’s Get Loud.

Bumalik sa isip ng mga tao ang nangyaring ganito sa isang singer sa isang major concert.
To think na royalty ang turing sa kanya, ha!

***

Complete bed rest daw si Neri Naig na mi­sis ng Parokya Ni Edgar lead vocalist Chito Miranda.

Kaya after ng tele­serye na All Of Me, pahinga muna si Neri habang hinihintay nila ang kanilang baby.

Ang tanong, abstain ba o fasting muna sa sexual activity ang dalawa na nasangkot noon sa isang sex video scandal?

Mukhang pinag-mellow silang dalawa ng kanilang pagiging magulang soon.

***

Natapos na kahapon ang successful at record-setting run ng Rak Of Aegis.

Congratulations sa PETA at ang bumubuo ng palabas na ito. Pero gaano katotoo na may bidang artista raw na ayaw­ magpa-coach sa assistant director?

Ang training daw niya kasi ay walang ibang pinakikinggang basta-basta kundi ang direktor lang.

Itsura nilang lahat!!!