Solenn, pinagtripan ang puwet ni Derek

Solenn Heussaff
Derek Ramsay
Derek Ramsay

PINAGTRIPAN ni ­Solenn Heussaff ang ­puwet ni Derek Ramsay sa social media.

Komento ni Solenn sa isang pic ng ex-BF, “Your bum is hungry! Belated happy bday D!”

Dagdag pa ni Solenn, “Gutom na gutom na ­siya oh! Pakainin niyo naman si Pwet!”

***

Ang lakas ng dating­ ni Eugene Domingo nang umentra sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank 2 kahapon sa Shang­ri-La restaurant sa may West Av., QC.

Nagmodel-model ­siya.

Tumuwad-tuwad pa si Uge sa pagpo-pose, “Model-model na parang tumatae!”

***

Mamayang gabi na ang SHOBI 2016 sa One 690, #39 Roces Av., QC.

Tsalap-tsalap ang mga puwet ng bikini hunks na magtatagisan dito.

***

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng ­sorpresa ng GMA Network sa kanilang loyal viewers.

Mapapanood ang mga bagong programa ng Kapuso Network via its 2017 first quarter Telebabad omnibus plug mamaya sa 24 Oras.

***

Ikinatuwa ng fans ng Someone To Watch Over Me star na si ­Lovi Poe ang kanyang ­latest activity nang maaga ­siyang nagbigay ng pamasko sa mga bata ng Child Hope Asia, isang organisasyon na tumutulong sa street children.

Lovi at Chris
Lovi at Chris

Para kay Lovi, fulfilling ang makagawa ng ganito dahil nakakapag-share ka ng blessings sa ibang tao.

Usap-usapan din ang pag-post ni Lovi sa Insta­gram ng litrato nila ng kanyang rumored BF na Frenchman na si Chris Johnson.

Ang caption dito ni Lovi, “All smiles because Chris…tmas is here.”

Aaminin na ba ni ­Lovi kung ano talaga si Chris sa puso niya?!