Idinenay naman ni Solenn ang rumor na may problema siya kaya hindi pa sila nagkakaanak ng kaniyang foreigner na esposo.
“I’m perfectly healthy to have a baby,” paliwanag niya.
Ayon pa sa kanya, hindi raw naman siya nagmamadali na magkaroon ng baby.
“It’s every woman’s dream na magkaroon ng baby kapag kinasal na. I think, everything will happen in its own time,” pakli niya.
“Besides, hindi pa rin ako ready na maging mother. We’re both still young pa naman and there’s so much going on for the two of us now,” pahabol niya.
Hirit pa niya, hindi pa rin daw niya priority ang pagkakaroon ng baby.
“I just want to work more, I don’t want to rush things. Gusto ko munang i-enjoy ‘yong pagsasamahan namin ni Nico,” pahayag niya.
Happy naman si Solenn dahil nagbunga ang efforts niya na ma-achieve ang goal niya na magkaroon ng ‘butt’.
Kinarir talaga niya ang pagwo-work out para patunayang kung gusto niya, magagawa niya.
Naging biktima kasi ng body shaming comments ng netizens si Solenn na binash ang kanyang kawalan ng ‘butt’.
Bagama’t dinedma niya ito at hindi pinatulan, naging inspirasyon pa raw ito para sa kanya para patunayang mali ang kanyang mga detractor. (Archie Liao)