SolGen, PNP nireklamo sa SC

Hiniling ng isang human rights advocacy group sa Supreme Court (SC) na i-contempt ang Office of the Solicitor General (OSG) at ang Philippine National Police (PNP) dahil sa pagsusumite ng umano’y walang saysay na mga dokumento kaugnay sa writ of amparo petition na kumukuwestiyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ang kaso ay may kinalaman sa petis­yong inihain ng grupo nina Aileen Almora at grupo ni Sister Maria Juanita Dano at kinakatawan ng Center for International Law (CenterLaw).

Ayon sa Centerlaw, noong May 17, 2019, binigyan sila ng OSG at PNP ng 289 na compact disc na nag­lalaman umano ng kanilang full compliance sa utos ng SC.

Pero nang suriin umano ng Centerlaw ang laman ng mga CD, marami sa mga kasong tinalakay doon ay hindi naman konektado sa kaso ng iligal na droga.

(Lorraine Gamo)