Maraming natutunan ang Foton Pilipinas sa sinabakang 2016 Sealect Tuna Thailand Volleyball League, tagumpay ang misyon sa Sisaket province na mahasa ang armas bago pumalo sa AVC Asian Women’s Club Championships umpisa sa Sabado sa Alonte Sports Center sa Biñan.
Umalis kahapon sa Sisaket ang Tornadoes, lumapag na sa Manila at may ilang araw na pahinga bago sumagupa sa AVC-AWCC.
Pagkatapos madalawahang sunod na dapa sa Thai national team sa opener at sa reigning Asian champion Bangkok Glass, naglista ng dalawa ring sunod na panalo ang Tornadoes laban sa Rangsit University at Kasetsart University.
Pero sa huling salang, kinapos sa 3BB Nokhonnont 19-25, 25-19, 26-24, 25-14 at nagkasya sa sixth place.
Ikinatuwa ni Foton Pilipinas coach Fabio Menta ang nakita sa batang team na giniyahan nina imports Lindsay Stalzer at Ariel Usher, kasama sina guest players Aby Marano ng F2 Logistics at Jen Reyes ng Petron. Hindi nakasama sa biyahe si Jovelyn Gonzara ng RC Cola-Army.
“We’re quite positive,” anang Italian coach. “We played against quicker, more experienced players and gave court time to our younger Filipino players.”
‘Great result’ na para kay Menta ang dalawang panalo, lalo’t wala sa Thailand sina Jaja Santiago at Gonzaga. Dinagdag ni Menta na pagdating sa Manila, reremedyuhan agad ang weaknesses na nakita niya sa team.
“We need more solid blocking position and more consistency in the quick plays,” paliwanag ng coach. “When we are disciplined at the block, which we proved in three straight games, all correlations would work fine.”