Binokya ng San Beda ang Arellano U 3-0 sa duwelo ng unbeaten teams para sakmalin ang solo-lead ng 92nd NCAA lawn tennis tournament sa Rizal Tennis Center kahapon.

Biniktima ni Vince Carlo Ramiscal si Wilmer Sabas 6-3, 6-4 sa opening singles bago dinomina nina Eric Fernandez at Andre Rodriguez sina Romel Fortadez at William Deyro 6-2, 6-4 sa doubles. Tinuldukan ng 6-0, 6-4 win ni Andre Tuason kay Sabas ang sweep sa final singles match.

Kinolekta ng Red Netters ang sixth straight win, dalawa na lang ay mawawalis na rin ang round at ibubulsa ang first round pennant.

Sunod na asignatura ng Beda ang Letran nga­yon bago ang San Sebastian bukas.

Sa iba pang resulta, naungusan ng St. Benilde ang Perpetual 2-1, hindi pinaporma ng JRU ang Lyceum 3-0 at natakasan ng Knights ang Stags 2-1.