Sino raw itong mambabatas ang sanggang dikit ng gambling lord sa kanilang lalawigan?

Naispatan daw kasi itong mambabatas na bumibisita sa rest house ng gambling lord.

Kung minsan, magkasama rin sila sa ilang okasyon sa kanilang lalawigan.
Madalas din daw mangibang-bansa itong mambabatas, aba’y malamang na pinondohan ng gambling lord ang trip nito.

Siyempre, hindi magpapakawala ng malaking pera itong gambling lord kung walang kapalit sa mambabatas.

Malakas din sumugal ang mambabatas kaya posibleng dito rin nauubos ang grasyang binibigay sa kanya ng gambling lord.

Clue: Ang mambabatas na alaga ng gambling lord ay kilalang babaero pero kuripot naman sa kanyang constituent.