Pinagtatawanan na ng ilang mamamaha­yag ang mistulang pagiging sabik sa spotlight ng isang mam­babatas.

Ang kuwento, dahil sa takot na hindi mapansin o matabunan ng mas mala­laking hearing ang mga pag­lilitanya ng solon, sinasadya na lamang nitong ilipat ang sche­dule ng kanyang pagdinig kapag may makakasabay na mas mala­king hearing.

Kapansin-pansin din umano na mistulang i­nuutay-utay o inu­unti-unti ng mambabatas ang pag­lalabas ng mga mahahala­gang impormasyon sa kanyang mga hinahawakang isyu upang hindi mawalan ng dahilan para sa media coverage sa kanya.

Minsan na rin daw na pinagsasawaan ng media ang coverage sa solon na ito dahil nagiging paulit-ulit na lamang ang kanyang mga pahayag.

Clue: Ang ating bida ay may let­rang O sa kanyang apel­yido as in Over sa kadaldalan.