Ibang klase daw kung matuwa ang isang mambabatas kapag may nababasang magandang artikulo tungkol sa kanya.
Nireregaluhan kasi niya ang nagsulat ng isang banyerang isda. At take note, hindi lang isang klase ng isda ang laman ng banyera kundi lima.
Siyempre, hindi kasama dito ang galunggong dahil baka ibalik lang ito ng taong kanyang niregaluhan.
Laman ng banyera ang malalaking lapu-lapu, bisugo at iba pang mamahaling isda.
Ang classic nito, talagang nag-effort ang mambabatas dahil nanggaling pa ang isda sa kanyang malayong lalawigan.
Clue: Ang mambabatas na nagregalo ng banyerang isda ay taga-Luzon at may letrang A sa kanyang pangalan.