Kinakabahan ang isang mambabatas na dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi sa ISIS na sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Mindanao na, kundi sa ipinipinta ng Pangulo na larawan ng krisis sa peace and order at national security.
Dahil dito, nanawagan si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa taumbayan na maging mapagbantay dahil ang mga ipinipintang “krisis” sa national security ay nakita ng mga Filipino ilang dekada na ang nakakaraan.
“We have seen this before: painting a picture of crisis, of threat to public order and security, to justify further powers and control. The public must remain critical and in the watch of unfounded claims aimed to feed fear,” ani Alejano.
Magugunita na mismong si Duterte ang nagbunyag na mayroong mga “white people” na hinihinalang mga Arab nationals na nakikita ngayon sa iba’t ibang panig ng Mindanao na posibleng mga ISIS members.
Gayunpaman, itinatanggi umano ng AFP na mayrong presensya ng mga ISIS sa Mindanao at pilay na umano ang nasabing grupo sa Gitnang Silangan kung saan sila naghasik ng lagim.
Maging ang banta umano ng ISIS sa Miss Universe Pageant na gaganapin sa Pilipinas sa Enero ay hindi pa umano nabeberipika ng AFP kung totoo ang video ukol sa pagbabanta.
Naniniwala ang mambabatas na ang mga ISIS na sinasabi ng Pangulo ay ang Abu Sayyaf at iba pang rebeldeng grupo sa Mindanao na ngayon ay tinututukan na umano ng Sandatahang Lakas.
Pareho lang sila ni digong na TAMANG HINALA