Pinayuhan ng isang kongresista si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na sumurender nang maayos sa mga awtoridad kapag lumabas na ang warrant of arrest laban dito.
Binigyan-diin ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na hindi dapat manlaban, gumawa ng gimik at umeksena ang alkalde sa sandaling mag-isyu ang korte ng arrest warrant.
“Mayor Baldo should not resist arrest or stage any political gimmick like barricading himself in his office to prevent the court and the police from executing the warrant of arrest. It is before the court where he must prove his innocence,” ani Salo na isa ring abogado.
Nauna ng tinukoy ng Philippine National Police (PNP) si Baldo bilang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe noong Disyembre 22, ng nakalipas na taon sa Daraga.
Kasamang nagbuwis ng buhay ang police escort ni Batocabe na si SPO1 Orlando Diaz.
Katatapos lang mamahagi ng mga regalo ni Batocabe sa mga kababayang may kapansanan at senior citizen nang mangyari ang pamamaslang.
Sina Batocabe at Baldo ay mahigpit na magkatunggali sa mayoralty race sa Daraga, Albay.