Solon lusaw ang utak sa 2020

Sa pagpasok ng Bagong Taon, kapalpa­kan agad ang bumungad sa isang miyembro ng Lower House.

Agad kasing sumabak sa social media ang mambabatas para lang magtanong sa isang ahensiya ng gobyerno.

Ang problema, mali-mali ang mga detalye ng kanyang pinost kaya kinuyog siya ng mga netizen.

Hindi pa man sumasagot ang ahensiya ng gobyerno, agad nang binawi ng mambabatas ang kanyang tanong dahil sa kahihiyan.

Katwiran ng mam­babatas, kagagaling lamang niya sa bakasyon sa beach kaya lusaw pa ang utak at walang alam sa mga kaganapan sa Metro Manila.

Clue: Ang mambabatas na lusaw ang utak pagpasok ng Bagong Taon ay naging mabilis ang pagyaman. May letrang R sa kanyang pangalan as in Rich.