Nabulaga raw ang isang mambabatas at muntik lagnatin dahil sa laki ng bayarin ng kanilang grupo nang kumain sa isang fine dining restaurant kamakailan.

Akala siguro’y nadale siya ng ‘dagdag-bawas’, aba’y binusisi raw ng lawmaker ang kanilang bill at inisa-isa ang mga inorder ng grupo.
Nang mapadako ang kanyang mata sa isa sa pinakamahal na menu na naorder ay tinanong nito ang kanyang staff kung sino ang umorder at lumafang sa napakamahal na pagkain.

Wala raw nagawa ang pag-emote ng mambabatas kundi magbayad pero hindi naman maalis sa mukha ng ating bida ang magkahalong inis at pagkadismaya sa taas ng kanyang binayaran.

Hindi naman daw nito masita ang umorder dahil kilala rin itong malapit sa kasamahan niyang mambabatas.

Clue: Ang ating bida na sadyang mati­pid maski sa kanyang sarili ay may letrang K sa kanyang pangalan as in Kuripot at sad­yang makunat.