Alam ng ilang staff ng mambabatas na matatalo ang kanilang amo sa darating na elek­syon kaya nag­hanap na sila ng ibang mapapasukang trabaho.

May iba namang sinuwerte sa paghahanap at naghahanda nang lumipat ng trabaho.

Subalit ang masaklap, ayaw silang pakawalan ng amo nilang mambabatas as in parang hinostage sila.

Nagmama­kaawa na nga raw ang ilang staff pero matigas ang mambabatas sa kanyang desisyon.

Nabatid na pakakawalan lamang niya ang mga ito pagkatapos ng hala­lan, manalo o matalo man ang kandidato.

Clue: Ang mambabatas na nang-hostage ng staff ay kilalang kuripot at may letrang A sa kanyang pangalan, as in Ako.