Inabisuhan ng liderato ng Kamara ang lahat ng kongresista kamakalawa ng madaling-araw na huwag umalis ng Metro Manila sa susunod na 48-oras dahil sa inaasahang joint session ng Kamara at Senado dahil sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

“All members are advised to stay put in Manila. Under our Rules, our sessions are until Friday. The President will head back home ASAP (the party is now at the Moscow airport) and we may have session as soon as we receive his official report,” ayon sa abiso ni House majority leader Rodolfo Fariñas.

Sa ilalim, aniya, ng Saligang Batas, kailangang magsumite ng report o kaya pumunta mismo sa Kongreso ang Pangulo sa loob ng 48-oras pagkatapos magdeklara ng martial law.

Kailangan ang majority vote sa pinagsamang ­puwersa ng Senado at Kamara para aprubahan o ibasura ang Martial Law na idineklara ni Duterte sa buong rehiyon ng Mindanao.