Maraming miyembro ng Senado ang dedma lang sa imbitasyon ni boxing icon at Sen. Manny Pacquiao na panoorin ang kanyang laban sa Amerikanong si Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada ngayong Linggo.
Nagbigay ng kanya-kanyang dahilan ang ilang senador kung bakit hindi makakapunta sa Estados Unidos para panoorin ang laban ni Pacquiao.
Karamihan sa kanilang rason ay dahil sa malapit na ang resumption ng sesyon ng Senado sa Nobyembre 7 habang ang laban naman ni Pacquiao ay gagawin ng Nobyembre 5 sa Las Vegas o Nobyembre 6 na sa Pilipinas.
“Nope. Hindi ako makaalis,” sagot ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na siyang magiging punong-abala sa magiging agenda sa pagbabalik sesyon ng Senado.
“Dito lang ako,” pahayag naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri na kailangan ding makapasok sa resumption ng session.
Wala ring balak si Sen. Richard Gordon na pumunta ng Las Vegas dahil tatapusin pa nito ang committee report sa isinagawang imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJKs) at sa black sand mining sa Zambales at ibang bahagi ng bansa.
“Yes (in-invite ako ni Pacquiao sa US) pero wala akong US visa,” paliwanag naman ni Sen. Sherwin Gatchalian.
Kung bibiyahe naman si Sen. JV Ejercito, kailangan pa niya ang permiso ng Sandiganbayan dahil sa kinakaharap na kaso sa gun deal noong mayor pa siya ng San Juan.
Noong congressman pa lang ng lone district ng Saranggani si Pacquiao, maraming kongresista ang pumupunta sa Las Vegas para manood ng laban nito.
Denial pa kayong mga Senador na hindi makakapunta ng US para makapanood ng laban ni Pacquiao. Ang sabihin ninyo, nag-aalangan lang kayo baka ma-deny ang visa ninyo sa US at malagay kayo sa alanganin at kahihiyan. US is more on action but not in words like PH. Kayo na rin ang me sabi na hindi kawalan kung ayaw na ng US magbenta ng armas sa Pilipinas. So same to you acted silently by US.