Anim na kongresista ang ipadadala ng House of Representative bilang kinatawan nito sa pagpapatuloy ng peace talk sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA sa Oslo Norway sa Oktubre 6 hanggang Oktubre 9.

Pangungunahan ni Deputy Speaker Bai Sandra Sema ang delegasyon ng Kamara at kasama din sina North Cotabato Reps. Jesus Sacdalan at Nancy Catamco, Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Peace Reconciliatoion and Unification Committee Chairman Ruby Sahali.

Ayon sa Kamara pawang may travel authority na ang mga mambabatas na ang misyon ay alamin kung ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng Kongreso para maisakatuparan ang mabubuong kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.

Nang hingan ng panig sinabi ni Rep. Zarate na economic reform ang matatalakay sa ikalawang yugto ng peace talks at malaki ang papel ng Kongreso para maisakatuparan ang pangangailangan sa aspeto ng legislation.