Inamin ng isa sa mga miyembro ng Commission on Appointments (CA) na ilan sa kanilang kasamahan sa komisyon ay nasaktan matapos ‘sutilin’ umano sila ni Pangu­long Rodrigo Duterte dahil sa pag-reject ng mga ito sa appointment ni dating Department of Environment and ­Natural Resources (DENR) ­Secretary Gina Lopez.

“Syempre ‘yung mga iba, nasaktan,” ani Isabela Rep. Rodito Albano matapos sabihin ni Duterte na “lobby money talks” sa pag-reject ng CA sa appointment ni Lopez sa DENR noong nakaraang linggo.

“Ako hindi ako nasaktan, alam ko naman na sutil si presidente. Biruan lang ‘yan. Madalas si presidente madalas magbiro,” ani Albano.

Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na wala silang paraan para baguhin ang paniniwala ng taumbayan na nagkaroon ng bayaran kaya ibinasura ng mga ito ang appointment ni Lopez.

Base sa mga ulat, lahat ng 12 congressmen sa pa­ngunguna ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora na mayroong kapatid sa mining industry, ay bumoto laban sa appointment ni Lopez.

“Wala tayong ano, wala tayong paraan para makumbinsi ang publiko don sa mga kuro-kuro na ganyan. Lalo na sinutil pa tayo ni Presidente. Nang alaska pa si Presidente nong sinabi na lobby talks. Oh lalo na nagkaroon ng pagdududa ang mga tao du’n sa nangyari,” ayon pa kay Albano.

Dahil dito, sinabi ng kongresista na kung talagang walang tiwala ang publiko sa mga mambabatas na nagbasura sa appointment ni Lopez ay gantihan na lamang nila ang mga ito sa susunod na eleksyon.

“Tutal meron namang eleksyon eh. Eh ‘di wag nilang iboto. Husgahan nila nang mabuti. Pero sa akin, I know i can fly,” ayon pa sa mambabatas.

3 Responses

  1. Nasaktan, hahahahhha…Mga Putang-Ina ninyo, nakakaramdam pa ba kayo ng sakit, eh! ang pagnanakaw ninyo hindi kayo nasasaktan…mga manhid na kayo sa pagnananakaw…..Tumatakbo bilang mga lingkod bayan para lang magnakaw…yan ang mga halimbawa ng mga Pambansang Magnanakaw…Mga Politiko ng bansa….ano ang pagkakaiba sa simple magnanakaw…ang mga simpleng magnanakaw makikita mo sa mga eskinita, sa Recto, Cubao at lingid na lugar, pero ang mga bigtime na magnanakaw, makikita mo nasa Konggresso. Senado, at iba pang lugar sa gobyerno.hahahaaaah…

  2. Masakit talaga lalo na pag totoo alam naman ang kalakaran lalo na ang tinatawag na lobbying kahit sa America nangyayare yan, Dapat nag inhibit na yung mga myembro ng CA na may involvement o kamag anak sa mining pero di nila ginawa hypocrisy at the highest level ginamit ang posisyun sa pansariling kapakinabangan. Sa mga ipinasarang mga minahan wala naman talagang nagsara dahil naka appeal kaya tuloy ang kita at kaya talaga nilang mag lobby kaya tigilan na ninyo yung mga alibi nyo.