Mga laro ngayon:(Philsports Arena, Pasig)
10:00 a.m. — Perpetual vs PMMS (S Turf)
12:00 noon — Ateneo vs San Beda (S Turf)
4:00 p.m. — San Beda vs UST (V-League)
6:00 p.m. — NU vs SSC-R (V-League)
Muling magtatrabaho si NCAA MVP Gretchel Soltones para sa San Sebastian College upang palakasin ang pagkapit sa tuktok ng liderato sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City ngayong araw.
May kartang 1-0 ang Lady Stags kasalo nila ang Technological Institute of the Philippines Lady Engineers sa unahan ng Group A.
Pero paniguradong pahirapan ang magiging laban ng San Sebastian dahil katapat nila ang defending champion National University Lady Bulldogs sa main game (6:00 p.m.).
“We all know NU is tough,” pahayag ni 20-year-old Soltones. “But we will go out there and give it our best and enjoy the game.”
Sinandalan ng Lady Stags ang 20-point explosion ni Open Conference MVP, Grethcel Soltones ng pasabugin nila ang Perpetual Help Lady Altas, 27-25, 25-22, 25-22, noong Sabado.
Huhugot naman ng puwersa ang Lady Bulldogs kina Jaja Santiago at setter Jasmine Nabor para sa buena-manong panalo.
Hindi na kumuha ng guest players ang NU para masanay na sila sa isa’t isa at bilang paghahanda na rin sa UAAP season.
Wala na sa lineup si last year’s Finals MVP Myla Pablo kaya bukod kina Santiago at Nabor, ang ibang naiwan ay sina Jorelle Singh, Aiko Urdas at Fil-Japanese rookie Raisa Sato.
“This is a young team and this conference will serve as a test for everyone,” ani Edjet Mabayyad.
Maghaharap sa alas-kuwatro ang San Beda at University of Sto. Tomas.