Soltones, Lady Stags all-out sa Season 92

Sisindihan ng St. Benilde ang pag-depensa sa titulo sa Lunes sa siklab ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Unang harang sa Lady Blazers ang Perpetual Help.

Noong nakaraang season, sinorpresa ng Lady Blazers ni coach Macky Carino si Grethcel Soltones at ang liyamadong San Sebastian Lady Stags sa finals para iuwi sa Taft ang unang kampeonato sa torneo.

Balik sa Benilde sina Finals MVP Jeanette Panaga at veteran Ranya Musa.

Intact ang core ng Lady Altas, runner-up sa UST sa University Games sa Dumaguete noong nakaraang buwan.

Alas-dos ng hapon ang duelo ng Benilde at Perpetual pagkatapos ng opening ceremonies na tatampukan ng pakitang-gilas ng St. Benilde dance group na nanalo sa world hip-hop dance contest ngayong taon.

Ang reigning back-to-back MVP na si power-hitter Soltones, all-out na at aakayin ang Stags sa titulo matapos mabigo sa huling dalawang seasons. Uumpisahan ng Baste ang kampanya kontra ­Arellano sa alas-kuwatro.

“Hopefully, we’ll win it this year,” ani Soltones.