Dagdag puwersa ang pagbabalik ni former San Beda star Grethcel Soltones nang mag-ober da bakod sa Philippine Super Liga (PSL) pabalik sa Premier Volleyball League (PVL) para sa PetroGazz.

Pumirma na ng kontrata ang 24-year-old, 5-foot-8 spiker sa Angels kaya naman magiging isang puntos ito upang makaresbak sa mapait na pagkatalo ng team sa 3rd PVL Open Conference 2019 kontra Creamline.

Naglaro na rin dati si Soltones para sa PayMaya sa 2018 PVL Reinforced Conference kung saan nakatapos na runner-up ang High Flyers.

Bukod sa pagiging runner-up, naging makulay rin sa kanya ang V-League sa balibolista nang mag-MVP siya sa 2016 Open Conference at Finals MVP 2017 PVL para sa BaliPure. (ADE)