Umapela ang isang obispo sa pamahalaan na umupo kasama ang iba’t ibang sektor at simulan ang panibagong pag-uusap upang hanapan ng solusyon ang problema sa bawal na droga ng bansa.
Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio, panahon nang matapos ang nangyayaring patayan sa bansa at sa halip ay humanap ng bagong solusyon sa problema nang hindi naisasantabi ang rule of law.
“Let us please sit down and discuss reasonably as citizens of one country. Let us help out in addressing this problem of illegal drugs properly, but not in a manner that has no respect for the law,” aniya pa.
Giit nito na magpapatuloy ang pagbaha ng droga sa bansa hangga’t walang sistematikong paghahanap sa pinagmumulan nito.