Ibinasura ni Senador Richard Gordon ang ideyang isailalim sa witness protection program ng pamahalaan si retired police official Wenceslao ‘Wally’ Sombero, na tumayong middleman ni Chinese gambling tycoon Jack Lam.
Sa kabila ito ng ipinahayag na pangamba ni Sombero ukol sa banta sa kanyang buhay oras na humarap umano siya sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa P50 milyong bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
“No, wala muna tayo diyan sa Witness Protection Program. I don’t give that very freely,” paglilinaw ni Gordon, chair ng komite.
Si Sombero ang siyang nanuhol sa dalawang dating BI associate commissioners na sina Al Argosino at Mike Robles.
Dumating na kahapon sa bansa si Sombero mula Vancouver, Canada at tiniyak nito ang pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado bukas ukol sa usapin.
Tatlong beses na hindi sumipot sa pagdinig ng Senado si Sombero dahil nasa ibang bansa at sinasabing nagpapagamot.
Naniniwala si Gordon na si Sombero lamang ang tanging makapagbibigay ng linaw sa lahat ng isyung bumabalot sa naturang eskandalo.
“Mabuti’t umuwi siya sapagkat kung hindi siya umuwi ay mahihirapan tayong ipaliwanag ‘yung kanyang sitwasyon, siya mismo ang maiipit.
Ngayon, nandiyan na siya, malalaman natin kung sino talaga ang humihingi ng suhol o nagbibigay ng suhol or nag-e-extort. Marami pa siyang ipapaliwanag,” dagdag ng senador.
NAKU TINUTUBUAN NA NG DAMO SA ULO SI WIGGUIRE… PATAY GAHAMAN RIN SA PERA ANG MGA NILALAGAY NI SAYAD.
KINAKABAHAN NA SI TATAY KONG VITALIANO AGUIRRE.
NAGKANDA-IHI NA NGA SA SALAWAL NYA KAGABI EH KAYA ANG PANGHI NYA HEHEHE
INIHAHANDA NA NGA NYA ANG “DIVERSIONARY TACTICS” PARA DAW MAKA-IWAS SYA SA MALAKING KAHIHIYAN.
BAKA NGA BIGLA NA LANG NYA IPAHULI SI DELIMA PARA DAW MA-DIVERT ANG ISSUE AT MA-LIBRE SYA SA KATARANTADUHAN NYA. HA HA HA HA