For sure ay hihimayin line by line in the days to come ang 2nd State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte. Aasahan natin na magkakaroon rin ng lively discussion sa OFW communities kaugnay ng SONA.
Early sa speech ng Presidente, binigyang-halaga niya na kailangang mag-focus ang Pilipinas sa pag-e-export ng finished products at hindi lang ng raw materials.
For me, this is very critical dahil kailangan ng intensive labor input ang export ng finished product kumpara sa raw materials lang.
Local jobs
In a way, puwede ito ikabit sa matagal nang sinasabi ng Pangulo na dapat ay mas mapaganda pa ang ekonomiya ng bansa upang makalikha ng mas maraming lokal na patrabaho.
Kung may sapat na patrabaho nga naman kasi sa Pilipinas ay hindi na masyadong magiging dependent ang bansa sa OFW deployment at sa kanilang foreign currency remittances.
True, may car production facilities na tayo sa Pilipinas ngunit limitado pa rin ito at ang karamihan ng piyesa ng mga sasakyan ay ina-assemble lang sa ‘Pinas.
Cost-effective
Going by the President’s speech, ang challenge ay ang gawing finished products ang raw materials na galing sa ating resources.
Imagine kung ang bawat piyesa ng sasakyan na ating ina-assemble sa Pilipinas (ball bearings, stamped chassis at car bodies, etc.) ay gawa rin sa ating bansa from scratch.
Imagine kung magagawa natin ang e-jeepneys using local resources at manpower by way of adapted foreign technologies.
Siguradong mas magiging cost-effective ito para sa lahat ng Filipino end-users, hindi ba?
Sounding board
As of this writing ay ongoing pa ang speech ng Pangulo. Ang ikalawa niyang SONA ang magiging laman ng diskusyon sa mga susunod na araw o linggo.
Sa OFWs at OFW families, feel free to comment sa SONA ng Pangulo through our column as sounding board.
Just email sa usapang_ofw@yahoo.com or call 833-0785. Meantime, follow me on Twitter @beeslist.