WebClick Tracer

Song Hye-kyo ikinakalat ang Korean history – Abante Tonite
Skip to content
Abante Tonite
  • NEWS
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • BLIND ITEM
  • OPINION
  • LIFESTYLE
  • HOROSCOPE

Song Hye-kyo ikinakalat ang Korean history

Oct 10, 2019 (Oct 09, 2019) X Y

Bawat galaw ni Song Hye-kyo ay newsworthy. Nang mag-post ito sa kanyang Instagram account na may handle na @kyo1122 ng mga picture sa isang pictorial ng ineendorsong sapatos, pinag-usapan ito at nalagay sa iba’t ibang news site.

After four days simula nang mag-post si Hye-kyo, meron na itong mahigit 1 million likes.

Ang huling post pa ng actress ay noong June 5. Sinundan na ito ng announcement ni Song Joong Ki na magdi-divorce na sila and a month after nga, legally divorced na ang dalawa.

Kasalukuyang nasa New York pa si Hye-kyo ngayon. Ang balita nga ay nag-aaral ito ng short course tungkol sa arts.

Ngayon naman, nabalita ang tuloy-tuloy na advocacy ng actress tungkol sa pagpapa-spread ng awareness ng Korean history. Ang Sungshin Womens’ University’s professor na si Seo Kyung Duk ay nakipag-team up muli kay Hye-kyo to help spread knowledge of Korean history!

At para i-celebrate ang Hangul Day, sina Song Hye-kyo and Professor Seo Kyung Duk ay nag-donate ng 10,000 copies ng Korean guidebook sa Utoro Village, Japan. Consistent si Song Hye-kyo sa pagdo-donate ng Korean pamphlets sa mga historical sites around the world for the “Meet Our Country’s History Abroad” series.

Sa ngayon, wala pa ring balita kung kailan babalik si Hye-kyo sa paggawa muli ng drama.

Showbiz, Showbiz Columnist Instagram account, newsworthy, Song Hye-kyo

Post navigation

 Maine magpapakasal kay ArjoLea, Iza nawindang sa half boobs ng aktres 
Copyright © 2018 | Powered by WordPress. proBD - by Keramot UL Islam