Tuloy ang buhay kay Song Hye Kyo. Mula sa isyung diborsyo kay Song Joong Ki, puro mga product appearances, charity at ilang special events ang ginagawa ng actress.

Never niyang pinag-usapan ang divorce o ang ex-husband niya. Nagpapakita siya ng mukha ng katatagan at positive spirit.

Ang latest, posibleng mag-aral ng art lesson si Hye Kyo sa New York City. Lumipad siya sa naturang bansa noong September 7 para mag-attend ng New York Fashion Week.

Pero noong September 16, ni-report ng Hong Kong based na Apple Daily na kasalukuyan daw nag-i-stay ang aktres sa New York . Nag-register ito ng short term course sa isang art school.

Lahad ng UAA (United Artist Agency)“The reports are related to her private life, so we do not know anything about it.”

Sa ngayon, wala pa rin balita kung may bagong drama na napipisil niyang gawin bilang isang single woman muli.