Pagkatapos ng “Arthdal Chronicles” at ng divorce scandal, mukhang sasalubungin si Song Joong Ki ng bagong proyekto ang 2020.

Ibinalita ng SpoTVNews na papuntang Columbia ang actor para mag-shoot ng “Bogotá.”

Ang movie ay tungkol sa isang young man na nag-migrate sa Columbia noong 90s.

Idinadaan ba ni Joong Ki sa sunod-sunod na trabaho ang divorce scandal nila ni Song Hye Kyo.

Balitang katatapos lang ni Song Joong Ki ang ginawang sci-fi movie “Lightning Ship” noong November, pero nag-prepare na ito agad para sa “Bogotá.”

A source told SpoTVNews, “Song Joong Ki is working very hard to prepare for the film, to the point that he already went on a trip to Colombia last month to check it out.”

Kinumpirma rin ito ng bagong agency ni Song Joong Ki, ang History D&C na mag-i-stay sa naturang bansa ang aktor sa loob ng three months.

Bukod kay Joong Ki, makakasama rin sina Lee Hee Joon at Kwon Hae Hyo sa cast.