tonite-annyeong-rose-garciaUmamin ang isa sa miyembro at rapper ng South Korean boy group na WINNER na si Song Mino tungkol sa pinagdaanan nito na matinding ‘panic disorder.’

Nangyari ito sa bagong show ng JTBC na “Human Intelligence.”

Ipinagtapat nga ni Song Mino na dumaan siya specially this year sa matinding panic disorder. Kung pagbabasehan ang naging paliwanag ng South Korean singer/rapper puwedeng i-asso­ciate itong muli sa pressure ng pagiging idol. Kung paano, iba talaga ang expectation sa kanila kaya matindi talaga ang mga nararamdaman nilang pressure.

Ibinahagi nga ni Song Mino kung paano siya nag-struggle at paano niya ito pinaglabanan.

Ayon kay Song Mino,“Right now is my life’s highlight. I think I’m receiving the most amount of love right now. I’m thankful. But as thankful as I am, I’m also having more thoughts. There are many difficult things as well.
“I had a panic disorder,” pag-amin niya.

“Earlier this year, my panic disorder was severe. I didn’t think it was [a panic disorder], but many things piled on and it happened. I need to always only show a good appearance to the public and always shine, but there are a lot of things I need to deal with and am responsible for behind-the-scenes. I talked a lot with people around me who struggled with panic disorders and got better.”

Naganap ang pag-amin niya na ito sa pilot ng variety show na Human Intelligence kunsaan ang concept, nag-eexplore sila ng future version ng human intelligence katulong ang isang user.

Ang “users” ng techno­logy ay ang mga South Korean stars na sina Min Kyung Hoon, IZ*ONE at si Song Mino nga. They are joined buy the roles of artificial intelligence, kabilang ang Girls’ Generation na si Hyoyeon na expert sa camping, ang writer na si Kim Jung Ki na expert naman sa drawing at si Kim Jong Min na expert naman sa variety show.

Na-reveal ang severe panic disorder ni Song Mino nang magpakita ito ng interes na gusto ­niyang ma-capture ang buhay niya sa pamamagitan ng drawing.

Sa isang banda, Song Mino will also release his solo album “XX” sa November 26.