Sonny Parsons ng Hagibis patay sa atake

Pumanaw na kahapon, Mayo 10 ang Hagibis member na si Sonny Parsons.

Ang pagpanaw ni Parsons ay kinumpirma ni Joey Abando na miyembro naman ng Boyfriends. Ito ay raw mula kay Male Rigor ng VST & Company. Kinumpirma rin daw ni Sampaguita.

Sinasabing inatake sa puso si Parsons sa Batangas pero sinawing-palad na bawian agad ng buhay.

Ayon kay Vivian Velez sa isang chat,” Rode his big bike to Quezon then suffered heart attack.

β€œIt was a five hour trip kasi.”

Si Parsons ay 61 anyos.

Bukod sa banda, nakilala din si Sonny bilang artista na gumanap sa ilang action film. Nakasama rin siya bilang kontrabida sa Kapamilya-serye na ‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin.

Nagsilbi rin bilang konsehal si Parsons sa Marikina. Naging kontrobersyal din siya matapos na mabaril at mapatay ang tatlong magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay sa nasabing lungsod.