Ayon sa dating Kapatid star na ngayon ay Kapuso artist na si Sophie Albert:

“There was a time na palagi akong pumupunta sa mga convent, wala nakahiligan ko lang din.

“Nag-stay ako sa isang convent ng mga madre so alam ko ‘yung mga kuwento nila. Ni-live ko ‘yung life ng mga madre.”

Dahil gusto niya sanang mag-madre?

“Hindi naman. Muntik lang magmadre, parang gusto ko lang makita kung paano like nag-stay ako sa convent nila for a little over a week, doon ako natutulog tapos parang I had to live a life of poverty.

“Sa Missionaries of Charity sa Tayuman, iyon ‘yung kay Mother Teresa. So there, na-expose ako sa mga kuwento nila tapos kinukuwentuhan nila ako ng mga possessions na na-experience nila.”

Patuloy pa ni Sophie, “Ang saya ko nung nandun ako medyo nag-cross siya ng mind ko ng very, very light ang pagmamadre pero hindi naman kasi nandito pa rin naman ako sa showbiz,” pahayag ni Sophie.

Kamag-anak (tiyahin) ni Sophie si Kris Aquino.

Ano ang nararamdaman niya na siya ay nasa GMA na at may proyekto na (kasama si Sophie sa The One That Got Away) pero si Kris ay wala pa ring show sa TV?

“Siguro in time naman din, siguro in time magkakaroon din siya and she’s very good at what she does, I think, to be fair, she’s very good at what she does and she’s the only one who’s like that in the Philippines.”

Si Sophie ay grand winner (kasama ni Vin Abrenica) sa Artista Academy­ ng TV5 noong 2012. Ngayon ay nasa GMA na si Sophie at si Vin ay nasa ABS-CBN.