Nagtapos kahapon ang dramedy series na “Pamilya Roces” ng GMA-7.
Maraming magagandang memories ang maaalala ni Sophie Albert sa kanyang role bilang Amber Balocboc.
“I really enjoyed my scenes with Tita Elizabeth (Oropesa). Feel na feel ko talaga ang connection namin bilang mag-ina. Super amazing working with her because I learned so much from her. ‘Pamilya Roces’ really challenged me and put me out of my comfort zone. This show has helped me come out of my shell and be excited about work and learning new things,” deklara niya.
Gumanap kasi siyang kabit ni Rocco Nacino at nahuli ni Carla Abellana na nagsi-sex sila sa kotse.
Magaan raw ang samahan nila sa set kahit nakatikim siya ng masasakit na sampal.
“I think nag-jive lang talaga kami. I feel we are all very chill and happy to be working together. Direk Joel (Lamangan) is strict but we all appreciate the way he works and I think I can speak for everyone by saying that we will all really miss working under him,” sey pa niya.