Marami ang nakapansin na bigay todo si Carla Abellana nang mabukong nagloloko ang kanyang asawa sa seryeng ‘Pamilya Roces’ ng GMA 7. Saan siya humugot ng galit niya?
“Actually di naman kailangan humugot o kaila­ngan may panghugutan ng galit para sa eksenang ‘yun. Binabasa ko pa lang ‘yung script nararamdaman mo na siyempre ‘yung galit.
“Especially dahil ilang linggo mo na rin.. dahil ilang linggo ko na ring pini-play ‘yung role ni Crystal. So naipon na I guess.  Siyempre dahil laging tahimik si Crystal… nagkikimkim.. la­ging ano lang  very kumbaga.. hindi naman  sa emotionless pero laging neutral lang. Prim and proper.
“So finally, after ilang linggo na niloloko si Crystal ng asawa niya e, ‘di sa wakas nabuko na niya.  Nasa script na ‘yun… nandun na mismo . ‘Yun na mismo ‘yung pinaghugutan ng aking galit para sa eksena and kumbaga payback time, eh… Siyempre bukod sa first time na nalaman ni Crystal na niloloko talaga siya ng asawa niya, ‘yun pa ‘yung in a way payback time. Chance ni Crsytal na ilabas ‘yung lahat ng galit niya at gigil niya kela Hugo (Rocco Nacino)  at Amber (Sophie Albert)… so ‘yun mismo ang talagang eksena, ‘yun mismo ang pinanghugutan ko ng galit,” pakli niya.
Balitang muntik mag-lockjaw o namanhid ang mukha ni Sophie sa lakas ng sampal ni Carla at sabunot.
Talagang nanghiram ito ng mukha. Nasaktan din si Rocco sa sampal sa kanya? Hindi ba sila nagalit?
“Alam ko na sobrang nasaktan sina Sophie at Rocco sa mga sampal, suntok at sabunot… tulak lahat na… na ginawa ko.  Hindi lang during sa revelation scene na ‘yun.  “‘Yung sa kotse kundi buong araw actually particularly ‘yung taping day na ‘yun puro confrontation na… sumabog na si Crystal. Talagang naparami ang mga sampal at suntok.
“Alam kong sobra ko silang nasaktan and I kept apologizing to the both of them after the scene.  Talagang nagso-sorry ako tapos bago pa mag-take nagpi-peace na ako sa kanila… nagso-sorry na ako in advance.
Pero of course dahil professional silang dalawa they understand naman that’s it’s just work personal. Tsaka parte na rin ng instructions ni Direk Joel sa’min na talagang sabi niya na Carla kailangan mong ibigay ‘to.
Kailangan mong maging violent… kailangan rage talaga.  Dahil first time na makikita si Crystal na magwawala nang ganito. Magi­ging physical siya and talagang loud and big ‘yung movement. Talagang magwawala si Crystal for the first time,” lahad niya.
Paano kung sa totoong buhay mangyari sa kanya ‘yun ?
“Honestly hindi ko alam gagawin ko but one thing is for sure hindi ako ‘yung katulad ni Crystal na magwawala, manunutok, mananampal… as in war freak. Hindi ako ganu’n knowing Carla… ako.. hindi lang bilang Crystal… as Carla… in real life, hindi ako ‘yung ganu’n.
“So kung may nangyari mang ganun sa’king sitwasyon. I feel like I will just run away with the situation.
Magkukulong akong mag-isa sa kuwarto, iiyak ako nang iiyak. I’m in so much pain and eventually for sure dada­ting pa sa point na iki-question ko kung ano ba… san ba ako nagkulang… ‘yung ganun so in a way ibi-blame ko ‘yung sarili ko pero hindi ganun na katulad ni Crsytal na caught in the act ang pa­ngangaliwa ng kanyang pinakamamahal. Hindi naman ako ‘yung physical or violent right there and then.  So malamang I just run away and be alone in a room somewhere and hahagulgol lang ako to death,” aniya pa.

Sharon-Richard suportado ng foundation

Todo ang suporta ng Eugene Jojo Cruz Policarpio Memorial Foundation, Inc. sa pelikulang ‘Three Words to Forever’ nina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo dahil meron silang block screening ngayong gabi 7PM, Nov. 28 sa  Cinema 2 ng The Resorts World Manila. Ang special screening ay pinamumunuan ni Ma’am Jeanine Policarpio.
Kita-kits.

 

‘Hatian’ magpapainit

Showing na ang HATIAN ngayong araw sa Cinema 3 Isetann Mall Recto hanggang December 4. Paiinitin kayo ng maseselang eksena nina Carlo Mendoza, Lili Montelibano, Mike Sarmiento. Nicole Lopez, Ken Yan, Jazz Imperial. Ito ay sa direksyon ni Jigz Recto. Handog ng Royal Bajandi Films ni Boy Pilapil.