Alwin Ignacio

Kung dati, ilang kandirit pa, kasali na si Sophie Albert sa League of Extra Ordinary Has Beens, iba na yata ang kalakaran niya ngayon, huh!

Mukhang ang babaeng minamahal ni Vin Abrenica na ang tunay na babaeng pinagpala sa lahat. Bakit kaniyo? Hindi ba, may pahayag at paglalahad ang matipunong si Abrenica na hindi niya makakayang mabuhay na wala si Sophie sa kanyang life equation? Parang ang bathalumang si Albert na ang gusto niyang maging asawa at anakan sa tamang panahon.

Pangalawa, umaariba ang karera ni Sophie, hindi ba naman? Sa “Bihag” kung saan ang kanyang katauhan ay buhay na anaconda, mang-aagaw ng asawa o kabit ng katauhan ni Jason Abalos sa afternoon drama, ang mga ka-alyado at ka-batalyon ni Aling Tacing at Yaya Loring, hindi lang poot na poot, suklam na suklam sa magandang dalaga dahil dalang-dala sila sa sakdal husay na pagganap ni Sophie bilang pagkaganda-gandang vixen.

Hanash ni Albert, may mga nagpapadala na raw sa kanya ng mga mensaheng galit na galit. Sa pakiwari ni Sophie, sa tuwing minamaldita niya si Max Collins sa kanilang soap, laging sangrekwang bashing at hating ang kanyang tinatanggap.

Flattered, amused at siyempre pa, may slight nerbiyos na siyang nararamdaman. Parang hindi na siya puwedeng magpahara-hara pa sa daan o kung saan man dahil ang team gurlis, siya ay ma-gurlisan o ‘di kaya, mabuhukan.

Mukhang ang kabit trono dati ni Ryza Cenon, siya ang nagmana, huh!
May nakakalokang kuwento nga ang pinagpapasahan sa mga parlor, dahil nga primera impaktita siya sa kanilang drama, how true na noong nag-taping ang “Bihag” sa isang talipapa, may mga babaeng vendor nga bang may kudang “Nasaan ang kabit! Ilabas niyo siya para masabunutan namin!” Ang savage ng mga manang sa talipapa! Hahahaha!

Iba rin ang husay ni Sophie Albert, kasabu-sabunot! Ka-gurlis-gurlis! Pero good lady sa totoong buhay kaya nga mahal at sinasamba ni Vin Abrenica, hindi ba naman?

Pasok naman sa banga na sila ni Max ang nagpapagalingan at nagmamagandahan sa “Bitag” dahil pareho silang tunay na maririkit at kapwa mahuhusay sa pag-arte.

Tara ‘laro’ tayo

Ngayong ilang kembot at kandirit pa ay PRIDE Month na, ang diva that you love, highly recommended sa inyo mga dear Abante TONITE readers, ang play na “LARO.”

Maraming laplapan. Siyempre pa, may mga mapangahas na sexual congress na eksena. Siguradong may bubulwak sa inyong mga imaginary sexual orifice dahil may magaganda at sariwang mga katawang in full display.

At heto pa ang lalong magpapabuhay sa inyong mga ugat, maliban sa kuwentong may aral tungkol sa mga buhay-buhay ng mga men who have sex with other men, pasabog kung paano matatapos ang play. Handa ba kayong makapanood ng ORGY on stage?