Hindi nagantihan ni Kirstie Elaine Alora si Maria del Rosario Espinoza, tumiklop ang Filipina jin sa Mexican Olympic Games nang lumasap ng 4-1 defeat sa women’s taekwondo ng Rio Olympics sa Carioca Arena 3 kagabi.

Nakahulagpos kay Alora ang gold, pero may tsansa pa siyang sumipa ng bronze. Kapag dumiretso si Espinoza sa final, papasok si Alora sa repechage para habulin ang third-place finish sa +67-kilogram division.

Tinabla sa second round ng 26 years old Biñan City native at two-time Asian Games bronze winner sa 1-all deadlock sa pagsipa sa singtaas niyang 5-foot-8 ding Mexican na ngarag bumagsak.

Pero ‘yun lang ang pinakitang kinang ng Filipina jin laban sa 28 years old 2008 Beijing Olympics/2007 Beijing World Championships gold winner na Mexican, pagkaraa’y nakabawi sa suntok at magandang execution para sa 3-1 lead sa pagkumpleto sa second round.

Turning kick ni Espinoza ang kumumpleto sa third & final round sa pag-duplika ng unang panalo kay Alora na natapos sa 1-2 may apat na taon na ang nakalilipas sa Beijing din.

Ang 13 Filipino athletes sa Rio, iisang silver medal pa lang ang naikuwintas mula kay Hidilyn Diaz sa weightlifting women’s 53-kg. silver.

Inaasahang malaking dagok ito sa re-election bid ni Jose Cojuangco, Jr. sa pagkapangulo sa pang-apat na term niya sa POC bago matapos ang taon at si William Ramirez na ang hepe ng Philippine Sports Commission kapalit ni Ricardo Garcia.