SPONTANEOUS ang brand of comedy ni Vice Ganda kaya may personahes na hindi sinasadyang ginagamit niya to pull off his joke.
Sorry na lang ang bruho dahil nagkamali siya na ang isang Sir Tony Calvento ang kanyang ginamit sa kanyang biro.
Dapat, from time to time, ipapaalala na he cannot get away with everything.
May panahon dati na medyo karamihan din ang nabuwisit sa kanya dahil ang esteemed broadcast journalist na si Ms. Jessica Soho, ginawa niyang subject of his insensitive spiel?
Water under the bridge na ang pangyayaring ito.
Nag-sorry kahapon si Vice sa It’s Showtime.
Mabilis na nag-shout out si Sir Tony Calvento sa Facebook, “VICE’S PERSONAL APOLOGY ACCEPTED. ALL IS WELL. LET’S MOVE ON VICE.”
May panahon at pagkakataon na bentang-benta ang politically incorrect jokes ni Vice, pero not this time.
Ang bentang-benta, lalo na sa isang not so secret pink portal, ay ang pagiging malapit nila ni sexy crooner Darly Ong.
Time and again, laging sinasabi ni Ganda pag nakikita siyang kasama niya ang isang lalaki, mas malamang na hindi ito ang kanyang partner.
Kaya lang, dahil sweet na sweet sila ni Ong sa dalawang larawan na parang group date sa isang posh place together with Angeline Quinto, marami ang kinilig at umasa.
Ang diva that you love, hindi sigurado kung bagong kuha lang ang mga ito o dati pa, pero hindi issue kung luma or bago ang mga larawan.
Matamis na matamis ang aura na iyong mararamdaman pag pinagmasdan ang mga ito.
Sa exhibit A, magkatabi sila sa mahabang dulang, looking every inch as a power pink coupling.
Ang super labas dila emote ni Ong added more oh la la sa picture.
Sa photo for posterity exhibit B, halos nakadikit ang mukha ni Ganda sa matikas na dibdib ni Daryl at pa-girl na pa-girl ang pose niya, huh?!
Ang isang braso, nakapatong sa isang hita ni Ong at babai-babaihan ang kanyang pag-cross legs with matching display of it, kasi, litaw ang mga ito sa suot niyang wrecked jeans.
Kung pagmamasdan mong maigi ang larawan, hindi makakailang super close sila.
Kita sa body language na intimate sila.
Kung ano ang level of closeness at intimacy, tanging ang dalawa ang nakakaalam.
If they are playing good music together, ang wish ng diva that you love, ipaalam na nila ito sa madlang pipol.
The madlang pipol deserve not only to be accustomed, but to be more embracing of pink partnerships, whether as friends or as a couple.
Salamat kung totohanin nila.
Kung hindi man, salamat pa rin, Vice Ganda at Daryl Ong for showing and sharing na there are two less lonely people in this crazy planet of ours.
Wala kayong dapat ipagpaumanhin o ikahiya sa pagiging malapit at mabuti ninyo sa isa’t isa.