Gaano kaya katotoo ang bulong sa atin ng ating amuyong hinggil sa isang kilalang personalidad na hilig mag-abroad pero hindi naman sariling pera ang ginagastos?
Aba, ang kuwento kasi sa atin ng ating amuyong, sinasamantala raw ni Mr. Personality ang popularidad ng kanyang amo upang makakalap ng mga sponsor para sa kanyang mga biyahe abroad, na bukod sa pamasahe ay kailangan ding makalibre sa kanyang board and lodging kasama pa ang pagkain.
Katunayan nga raw noong panahon na mainit na isyu na kinasasangkutan ang kanyang pangalan ay parang naging kapitbahay nito ang isang bansa sa Asya pero wala naman itong inilabas na sariling pera.
Pero mukhang natatauhan na ang ilan sa mga naunang sumusuporta sa kanya dahil nagigising na raw sa katotohanan na sa kabila ng katalinuhan ng taong ito ay mas matindi ang kayabangang taglay.
Katunayan, ang isa pa nga raw nating kababayan ay muntik pang magbigay ng panggastos sa personalidad na ito subalit iniatras niya nang makita ang hindi magandang pag-uugali nito.
Ayon pa sa ating amuyong, mukha ngang may katotohanan ang sinabi ni Mr. Personality sa isang pagdinig na napakaliit lamang ng nakukuha nitong honorarium mula sa gobyerno kumpara sa kanyang nagagawa para sa pamahalaan.
Clue: Ang ating bida na mahilig sa libre ay may letrang N sa kanyang pangalan as in ‘Nag-iisip’.