Ipinagtanggol ng isang paring Katoliko si Sen. Vicente ‘Tito’ Sotto III kaugnay ng naging komento nito kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa isang hearing ng Commission on Appointments (CA) noong Miyerkules.

Sinabi ni Fr. Larry Faraon ng Batanes na matagal na niyang personal na kilala si Sen. Sotto at naniniwala itong walang intensyon ang senador na kuwestiyunin ang pagiging single parent ni Taguiwalo.

“Obviously, this comment was taken in the context of humor. Si Senator Sotto, matagal ko nang kilala. Ang pagiging joker, kasi ako joker din ako.

May mga proceedings, usapan, masyadong serious. Nagpapasok kami to illicit some sort of light moment among discussion,” paliwanag ni Faraon.

“It’s just like that. Humor ‘yun. Sa’n ka nakakita ng taking humor seriously,” katuwiran pa ng pari.

Bukod dito, hindi naman hinarang ni Sotto ang appointment ni Taguiwalo bagkus ay 100 porsyento pa niyang sinusuportahan ito.

6 Responses

  1. SINAKYAN NGA PO NG MGA KULTONG DILAWAN….KAYA LUMAKI ANG ISSUE…PARANG YUNG SA SECRET JAIL…….HAHAHAHAHA..MGA SABOG SA SHABU TALAGA!!!

  2. Pwede ba Fr. Larry Faraon huwag ka na makisawsaw dito sa isyu na ito baka maano pa kita he. Pare-pareho lang naman kayong sinungaling din na hindi nakakapag-pigil na mang-ano.

  3. hi good day bakit po kasi kaylangan pang personalin ang isang joke at kung masyado pong personal yun tapos na po nanghingi na po ng dispinsa si senator Sotto bakit kaylangan pa pahabain ang ganun issue.

  4. Ang appointment ng isang posibleng maging secretary ng gobyerno lalo na at ang hahawakang pwesto ay DSWS ay isang seryosong bagay Padre kaya walang puwang ang malisyosong pananalita lalo na pa at kung ito ay magmumula sa isang Senador ng bansa. Kaya nga ang tawag sa mga Senador ay Kagalanggalang na Senador. Kung ikaw ba padre, on the lighter side, ay sabihin kong, isa ka rin sigurong naka ano ng ibat ibang babae, magugustuhan mo ba? Kung sasabihin mong oo, isa kang malaking hipokrito. Wala kang karapatan magsuot ng abito Padre.