Sotto: Kahit opisyal parusahan sa quarantine violation

Hindi dapat exempted sa paninita o parusa ang mga opisyal ng gobyerno na lumabag sa quarantine protocol, ayon kay Senate President Vicente `Tito’Sotto III.

“Kung ang mga pangkaraniwang mamamayan natin ay sinisita natin at pinagsasabihan natin kapag ito’y nagba-violate, dapat tayong mga opisyales din ay sisistahin kapag nagba-violate,” pahayag ni Sotto sa panayam ng mga reporter.

Sabi ni Sotto, hindi magandang halimbawa ang ginawang ‘mañanita’ ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Debold Sinas dahil nangyari ito sa gitna ng COVID-19 crisis.

“Eh siguro sandali lang `yon, but then, again if social distancing is not practiced, hindi mabuti `cyon, hindi maganda. It does not give a good example to our countrymen,” sabi ng senador.

“Mayroong sariling rules of procedures kasi ang Philippine National Police. They can perhaps discuss the possibility of filing an administrative complaint against an erring official,” dagdag pa ni Sotto.

Hindi rin nagustuhan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang pa-birthday party na ginawa ni Sinas.

“More than the quarantine violation, from whatever direction we look at the incident, it projects a bad example, coming even from those tasked to enforce the ECQ (enhanced community quarantine),” giit ni Lacson.

“Social gathering clearly has its price health-wise, considering the tricky nature of the COVID-19 virus,” sabi pa nito.

Nauna nang humihingi ng paumanhin si Sinas subalit iginiit nitong ilan sa mga litratong lumabas ay edited na at kinuha mula sa lumang litrato nito. (Dindo Matining)