Maagap na nag-sorry si Senate majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto sa mga bashers nito makaraang kanyang kuwestyunin sa pagdinig kahapon ng Commission on Appointments (CA) ang pagiging single mom ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.
“Just to drive home the point, if they are offended then I apologize,” ayon kay Sotto.
“Anything under the sun about a nominee can be asked. But that is beside the point.
As I’ve said it was meant as a joke and everybody in the hall, almost everybody laughed. I don’t think it was done disrespectfully,” dagdag ng senador.
Nag-ugat ang lahat ng puntiryahin ni Sotto ang pagiging single mom ng kalihim partikular ang pagkakaroon nito ng dalawang anak.
Kinumpirma naman ng kalihim na mayroon siyang dalawang anak na babae at aminado hindi naging normal na buhay pamilya ang kanyang pinagdaanan.
Umani ng suporta si Taguiwalo. Sa post ng isang Facebook user, sinabi nito na ang utak ni Sotto ay wala sa kalingkingan ng utak, integridad, track record at prinsipyo ni Taguiwalo.